Tuesday, May 4, 2010

IEs in Disney :)

One Saturday afternoon while I was searching for definitions on INDUSTRIAL MANAGEMENT ENGINEERING, I came across this page which motivated me to do well on my studies. I realized that I should be exerting 101% effort to reach my goals, to be recognized by my school and to give my parents the fruit of their hard work, my diploma.

LINK:
http://www.iienet2.org/media/video.aspx?id=9232&Video=Disney&AppURL=IIE

LEGENDS ng CDGC

LAUDABLE ECLECTIC GALLANT EFFICIENT NEST OF DIVERSE STUDENT
THE LEGENDS

Isang grupo na binubuo ng 37 estudyante ng Child Development andGuidance Center. Pawang may angking talento sa kanilang mga napiling larangan. Bago ang lahat san ba nagmula ang titulong LEGENDS? Si Gerard Briones, isa sa 37 bumubuo sa seksyon/ batch ang siyang nagbigay sa pangalan noong silang nasa ikatlong taon sa mataas na paaralan. Mula noon yun na ang pangalan na tinawag sa kanila sa buong eskwelahan.

Mula pa noong kami ay mga bata pa lamang, madalas na nanalo ang aming batch sa mga patimpalak sa larangan ng tagisan ng talino at palakasan. Sa pagtagal tagal ay natutunan namin at napag ibayo ang pagtatanghal sa entablado. Dala dala na namin ang reputasyon hanggang sa aming pag apak ng haiskul. Kami na ang nilalapitan ng mga guro para sa mga presentasyon sa Foundation Day, Sports Festival, Buwan ng wika, Founder's day at marami pang iba. Ni kailanman ay di namin binigo ang aming mga magulang, guro at mga tagahangga sa pagbibigay sa kanila ng isang pagtatanghal na masasabi nilang di sayang sa oras at kahit ulit ulitin pa nila ay di nakakasawa. Hanggang sa aming huling pagtatanghal ng sama sama bilang isang estudyante ng cdgc marahil sa aming mga sarili kami ay nag-enjoy na lang at sinulit ang huling ilang oras ng pagiging isang estudyante ng haiskul.

Sa tuwing aking naaalala parang gusto kong ulit ulitin. Ulit ulitin ng ilang daang beses na sana ay di na matapos. Nakakamiss talaga ung mga panahong naglalaro kami ng pusoy dos ng patago sa aming mga guro tuwing break, yayaan ng basketball pagkatapos ng klase, pang-aasar sa mga kaklase at ang pagtambay sa isawan ng ilang oras. Nakakalungkot sapagkat alam naman natin na tumatakbo ang oras at di lahat ng bagay na ating hahangadin ay magkakatotoo.

my post several years ago.. from my old blogger account.